COMELEC, hinimok na magsagawa ulit ng mock elections

Hinimok ng isang kongresista ang Commission on Elections (COMELEC) na magsagawa ng isa pang round ng mock elections para sa May 2022 national at local polls.

Ang apela ay ipinasa ni Cavite Representative Elpidio Barzaga Jr., sa briefing ng Joint Congressional Oversight Committee on the Automated Election System (JCOC-AES) matapos makaranas ng technical issues ang naunang mock elections.

Matatandaang nagsagawa ang COMELEC poll body ng mock elections sa 34 na barangay sa buong bansa noong December 2021.


Isinagawa ito ng alas-siyete ng umaga hanggang alas-dose ng tanghali ngunit natapos ang mock polls sa ibang presinto ng alas-singko ng hapon.

Ilan sa mga technical issues na naranasan ay ang hindi pagtanggap ng automated machine sa mga balotang may mantsa at ang ilan sa mga botante ay aksidenteng nasulatan ang barcode nito.

Bukod dito ay nakaranas din ng paper jam, misread ballots, at may mga balotang hindi nahuhulog sa kahon dahil may kaunting basa ang papel.

Facebook Comments