335 Karagdagang Gumaling sa COVID-19, Naitala sa Isabela

Cauayan City, Isabela- Nakapagtala ang probinsya ng Isabela ng 335 na pasyenteng gumaling sa COVID-19.

Sa inilabas na datos ng Isabela Provincial Information Office ngayong araw, Enero 28, 2022, tumaas sa 62,162 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa COVID-19 matapos madagdagan ng 335 newly recovered cases.

Bukod sa naitalang bagong bilang ng mga gumaling, mayroon din 257 na panibagong dinapuan ng COVID-19 at apat (4) na namatay sa naturang sakit.

Dahil sa paggaling ng daan-daang tinamaan ng COVID-19, bumaba na lamang sa 2,426 ang aktibong kaso sa Isabela.

Umaabot naman ngayon sa 66,753 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa probinsya.

Facebook Comments