COMELEC, humihiling ng kaukulang batas para sa postponement ng Barangay at SK elections

Manila, Philippines – Hinikayat ni Commission on Elections Chairman Andres Bautista ang Malakanyang na ibigay na ang direktiba sa Kongreso para sa kaukulang batas para sa election postponement sa Barangay at Sangguniang Kabataan sa Oktubre 23, 2017.

 

Ayon kay Bautista, verbal information pa lang kasi ang hawak nila ngayon kaya hindi pa nila masabi kung matutuloy o ipagpapaliban ulit ang barangay elections.

 

Humiling din si Bautista na maisabatas ang postponement ng mas maaga bago pa man makabili ng mga kagamitan ang COMELEC sa nakatakdang eleksyon.

 

Wala namang reklamo ang poll body kung matutuloy o hindi ang halalan pero kailangan lang na may pinanghahawakan silang batas para magawa nila ang angkop na mga hakbang ukol dito.





Facebook Comments