Humingi ng pasensya ang Commission on Elections (COMELEC) sa pagkakaroon ng aberya sa precinct finder nito para sa halalan sa Mayo 9.
Ito ay matapos magtrending sa social media ang error screen nang subukan nilang i-access ang precinct finder na kahapon lang naging aktibo.
Ayon kay Commissioner George Erwin Garcia, bigyan sana ng publiko ng pagkakataon na makapag-adjust ang precinct finder system.
Maaaring ma-access ang precinct finder sa https://voterverifier.comelec.gov.ph/
Sa pamamagitan ng precinct finder, pwedeng malaman ng mga botante kung saan sila nakarehistro at ano ang kanilang polling precinct.
Para naman sa mga lugar na walang access sa internet, magbibigay ang mga tauhan nila ng information sheet na naglalaman ng detalye kung saan sila maaaring bumoto.