Kylie Verzosa, may pakiusap sa gitna ng umano’y break up nila ni Jake Cuenca

Nakiusap si Miss International 2016 Kylie Verzosa na huwag na sanang ungkatin ang break up nila ni Jake Cuenca.

Say ni Kylie, huwag na sana siyang tanungin sa kaniyang pinagdadaanan.

Matipid din nitong sinabi na umaayos na ang lagay ng kaniyang puso sa araw-araw.


Nagpasalamat naman si Kylie sa lahat ng fans na nagpakita ng concern sa kanya sa social media.

Matatandaang umugong ang balitang break-up nina Kylie at Jake matapos mapaiyak ang beauty queen sa isang segment ng isang noontime show at magtweet ng “broken.”

Nag-post din sa social media si Jake ng “I will try to fix you” na may Band-Aid.

Facebook Comments