Hihiling na lang ang Commission on Elections (COMELEC) ng P4 billion na pondo mula sa P10 billion para sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections.
Nabatid na ipinagpaliban ang deliberasyon sa panukalang 2023 budget ng poll body dahil sa kabiguan nitong magbigay ng mga nasabing dokumento.
Ayon kay COMELEC Commissioner George Garcia, isinumite na niya kay Senator Imee Marcos ang mga kinakailangang dokumento, kaya’t umaasa sila na matutuloy na ang pagdinig sa kanilang pondo.
Binigyang-diin din ni Garcia na mahihirapan ang ahensya sa supervision at pagsasagawa ng eleksyon sakaling makokompromiso ang pondo dahil importante ito.
Facebook Comments