PSA, nagpaalala sa mga may mali sa kanilang birth certificate

Pinaalala ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa publiko ang mga may error sa kanilang birth certificate.

Sinabi ni PSA Assistant National Statistician Marizza Grande, hindi na kailangang dumaan pa sa korte kung may misprint o clerical error sa birth certificate tulad ng maling spelling sa pangalan o maling impormasyon.

Maaari na aniyang dumulog sa local civil registrar ang mga may problema sa PSA, kung saan pwedeng mag-file ng petisyon.


Samantala, kailangan lamang dalhin ang kopya ng birth certificate mula sa PSA.

Facebook Comments