Comelec, iginiit na mahirap mag-organisa ng debate para sa 62 senatorial candidates

Manila, Philippines – Iginiit ng Commission on Elections (Comelec) na malabong magsagawa ng debate para sa 62 kandidato na naglalaban-laban para sa pagka-senador sa may midterm elections.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez – magiging mahirap sa poll body na mag-organisa ng one-day debate para sa lahat ng senatorial candidates.

Aniya, pagsama-samahin ang mga ito sa iisang debate ay posibleng lumagpas pa sa walong oras na pelikula ni Lav Diaz.


Kung gagawing serye ang debate, isinasa-alang-alang dito ang bilang ng episodes na gagawin at bilang ng kandidatong ilalahok.

Pero aminado ang Comelec na mahalaga ang senatorial debates upang makilala ng mabuti ng mga botante ang mga kandidato ay mapakinggan ang mga isinusulong nitong mga adbokasiya at opinyon sa iba’t-ibang isyu.

Facebook Comments