VP Robredo, wala pa sa isip ang 2022 elections

84

Manila, Philippines – “Masyado pang maaga”

Ito ang sagot ni Vice President Leni Robredo sa mga tanong kung handa ba niyang makalaban si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa 2022 presidential elections.

Ayon kay Robredo – marami pang mga posibleng mangyari lalo at nasa kalagitnaan pa lamang ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Dagdag pa ni Robredo na ang eleksyon ay pinagdedesisyunan base sa iba’t-ibang kadahilanan at hindi lamang mula sa desisyon ng mga kandidato.

Mas nais ng bise presidente na magtuon sa kanyang trabaho sa ngayon.

Facebook Comments