MANILA – Inalis ng Commission on Elections (COMELEC) ang pangamba ng mga botante sa posibilidad na no elections o “No-El”.Pero Ayon kay Comelec Chairman Andres Bautista, pinag-aaralan nila ang postponement of elections o “Po-El”.Bukod kasi sa pagkakaroon ng bagong trusted billed, kailangan din ulitin ang pagsasanay sa mga Board of Elections Inspector (BEI) at magbidding para sa kakailanganing gamit kung mag-iisyu ng resibo sa halalan.Sakaling ipagpaliban ang halalan posible itong itakda, ilang linggo matapos ang Mayo-a-nuebe.Kasabay nito, sinabi ni dating Commissioner Gregorio Larrazabal, na kongreso lamang ang mayroong kapangyarihan na ipagpaliban ang halalan.Iginiit naman ni Dating Comelec Chairman Sixto Brillantes na kahit tama ang desisyon ng Korte Suprema, hindi dapat ipilit ang pag-iisyu ng resibo sa mayo at ipatupad nalang ito sa 2019 elections.
Comelec, Iginiit Na Malabong Mangyari Ang “No-El Scenario” Pero Pagpapaliban Sa Halalan, Posible
Facebook Comments