Kahihinatnan Ng 4Ps Ng Administrasyon Nasa Alanganin Kung Si Vp Binay Ang Mananalo Sa Halalan Ayon Sa Pangulo

5

MANILA – Nangangamba ngayon si pangulong Noynoy Aquino sa kahihinatnan ng pantawid pamilyang Pilipino program sakaling si Vice President Jejomar Binay ang manalo sa darating na halalan.Sinabi kasi ni pangulong Aquino na sa daming alegasyon ng katiwalian na hinaharap ng pangalawang pangulo ay malamang aniya ay aabusuhin lang nito ang pantawid pamilya.Sinabi din ni pangulong Aquino na sinasakyan din ni binay ang 4ps at sinabi pa aniya nito na palalawakin ang programa kapag ito ay nanalo pero pinaiimbestigahan din naman aniya ito ng anak ng pangalawang pangulo sa senado.Sumasakay at umeepal lang aniya ang pangalawang pangulo sa kasikatan ng 4ps matapos ang resulta ng isang survey na sinasabing 4 sa 5 Pilipino ang boboto sa kung sino man ang magtutuloy ng pantawid pamilya.

Facebook Comments