Comelec, iginiit na walang dayaang nangyayari sa OAV

Itinanggi ng Commission on Elections (Comelec) na may nangyaring dayaan sa ginaganap na Overseas Absentee Voting (OAV).

Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez – kinumpirma nilang nagkaroon ng aberya sa isang Vote Counting Machine (VCM) sa Hong Kong pero hindi nangangahulugang may pandarayang naganap.

Sinabi ni Jimenez – bago magsimula ang botohan ay isinasailalim sa routine procedure ang mga makina kung saan dadaan ang mga ito sa isang diagnostic.


Idinagdag pa niya na isa pa sa karaniwang problema tuwing halalan ay yung hindi mahanap ng botante ang kanilang pangalan sa voter’s list.

Nagpaalala naman ang poll body na huwag kunan ng litrato ang kanilang balota.

Facebook Comments