Inilabas na ng Commission on Elections (Comelec) ang schedule para sa 2025 midterm elections.
Ang election period ay mag-uumpisa sa January 12 hanggang June 11, 2025 kasabay ng nationwide gun ban.
Maaaring mangampanya ang national candidates kabilang ang mga senador at party-list mula February 11 hanggang May 10, 2025 habang ang mga lokal na kandidato ay maaaring mangampanya mula March 28 hanggang May 10, 2025.
Ang overseas voting naman ay nakatakdang ganapin sa April 13 hanggang May 12, at ang local absentee voting sa April 28 hanggang April 30.
Inaasahang makapaghain ang mga kandidato ng kanilang Certificate of Candidacy (COC) mula October 1 hanggang 8, 2024, kasabay nito ay ang paghain rin ng Certificates of Nomination and Acceptance (CON-CAN) ng party-list groups.
Ang substitution ay pinapayagan din hanggang October 8 lamang o kaya’y sa pagkakataon ng diskwalipikasyon o kamatayan.
Nakatakda ang araw ng eleksyon sa May 12, 2025.