Comelec, inilabas na ang guidelines para sa ilalatag na checkpoints sa 2022 election

Naglabas na ng guidelines ang Commission on Elections (Comelec) para sa mga checkpoints na ilalatag kasabay ng pagdaraos ng 2022 election.

Alinsunod ito sa Resolution No. 10741 na inihayag nitong December 16, bilang tulong sa epektibong pagpapatupad Resolution No. 10746 o ang liquor ban.

Sa ilalim nito, kailangang mayroong kahit isang checkpoint sa bawat city o municipality na babantayan ng mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).


Makikipag-ugnayan sila sa mga Election Officer (EO) ng Comelec na mayroong kontrol sa nasabing lugar.

Required ang pagkakaroon ng maayos na ilaw at pananamit sa mga checkpoint.

Tanging ang ‘visual search’ naman ang papayagan at hindi na required ang kapkapan maging ang pagbubukas ng mga glove compartment, trunk o bags.

Sakaling magkaroon ng paglabag, kailangang mag-submit ng report sa Election Officer sa loob ng 24 oras para sa monitoring at reporting ng violations.

Facebook Comments