FEU-NRMF, kumalas na sa PhilHealth dahil sa mga unpaid claim

Kumalas na ang Far Eastern University – Dr. Nicanor Reyes Medical Foundation (FEU-NRMF) sa ugnayan nito sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Ito ay matapos lumobo sa P200 million ang hindi nabayarang claims ng state insurer hanggang nitong katapusan ng Nobyembre.

Ayon kay Chief Operating Officer Juan Enrique Reyes, kailangan itong gawin dahil sa mga difficulties na nararanasan ng pagamutan.


Patuloy namang magseserbisyo ang ospital sa mga pasyente nito kasabay ng ihahandang dokumento para sa gagawing reimbursements.

Unang kumalas sa PhilHealth ang pitong pribadong ospital mula sa Iloilo dahil sa P545 million delayed payments claims.

Facebook Comments