COMELEC, inilatag na ang kanilang mga saklaw na kapangyarihan

Manila, Philippines – Matapos isailalim sa COMELEC control ang bayan ng Daraga sa Albay at Cotobato City, inisa-isa ng COMELEC ang saklaw ng kanilang kapangyarihan sa nasabing mga lugar.

Sa ilalim ng COMELEC resolution, kapag nasa kontrol na ng poll body ang isang bayan, may direkta na silang kontrol sa mga pulis na naka-deploy sa lugar.

Nangangahulugan ito na may kakayahan na silang magpatupad ng balasahan o ‘di kaya naman ay magsibak sa pwesto ng opisyal na lalabag sa election law at COMELEC na ang mag-a-appoint ng kanikang kapalit.


maari na ring atasan ng COMELEC ang DILG na bantayan ang presensya ng private armed groups na maaring banta sa eleksyon.

Sa pamamagitan din ng DILG ay maari silang mag-appoint ng Officer-in-charge sa lugar kung saan suspendido ang local government official.

Isinailalim ang Daraga, Albay sa COMELEC control kasunod ng pagkakapatay kay Cong. Rodel Batocabe, habang isinaillaim naman ang Cotobato city sa kontrol ng poll body dahil sa pambobomba kamakailan sa lugar kung saan dalawa ang namatay.

Facebook Comments