COMELEC INSPECTION, ISINAGAWA, TATLONG ARAW BAGO ANG NAKATAKDANG BOTOHAN NG BSKE 2023

Muling isinagawa ang pag-iinspeksyon ng COMELEC sa mga lugar sa Dagupan City kaugnay sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections 2023 kung saan patuloy ang pag-iimplementa ng Oplan Baklas sa mga campaign paraphernalia na wala sa lugar at lumalabag sa campaign regulations.
Sinuyod muli ang ilang bahagi sa lungsod gaya sa Caranglaan kung saan nakitaan muli ng mga nakapaskil na campaign posters ng mga kandidato sa maling lugar o di kaya ay hindi sumunod sa poster size na inilabas ng COMELEC na dapat sundin ng mga nangangampanya.
Bagamat may paalam sa mga may-ari ang ilang mga campaign paraphernalia na ipinaskil sa kanilang private properties ay pinagbabaklas pa rin ang mga ito ng COMELEC dahil sa laki ng sizes ng mga posters kung saan hindi na ayon sa 2 x 3 feet na poster size na nakalagay sa campaign regulations.

Inihayag din ng COMELEC Dagupan na kahit nanalo pa ang kandidato sa botohan para sa BSKE 2023 ay maaari pa rin itong matanggal sa kanyang naipanalong posisyon sa oras na malaman na ito ay makailang ulit at napatunayang lumabag sa mga patakarang ipinatupad ng ahensya habang isinasagawa ang campaign period. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments