INAASAHANG DEMAND NG ISDANG BANGUS SA LONG WEEKEND, SINIGURONG SAPAT ANG SUPLAY SA DAGUPAN CITY

Binigyan ng katiyakan ng mga nagtitinda ng isda sa palengke sa Dagupan City na sapat ang suplay ng kanilang mga inilalakong isdang bangus para sa preparasyon ng inaasahang malakas na pagbenta nito ngayong long weekend.
Sakto dahil tone-toneladang bangus rin ang ibinabagsak ngayon sa palengke sa Dagupan City mula sa mga bangus growers at dealers sa ibang bayan sa probinsya na siyang maagang pinag-haharvest dahil sa takot na maapektuhan din ng pabago-bagong panahon.
Ayon sa mga bangus growers at mga nagtitinda ng bangus sa palengke, mababaw ang tubig ngayon sa mga kailugan at fishpond kung kaya’t mas mainam na ma-iharvest na ang mga isdang bangus ngayon pa lang para hindi sila malugi at mabawi ang kita.

Ayon naman sa LGU Dagupan, inaasahan ng mga ito ang taas ng demand ng isdang bangus lalo ngayong long weekend dahil sa mga magsisi-uwian ngayong Undas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments