Ipinakita ng Comelec ang proseso ng Automated Random Manual Audit review na gagamitin sa ilang mga piling lugar sa bansa.
Binuksan ang sealed laptop sa harap ng media na sinelyuhan sa Comelec noong Mayo a onse para matiyak ba hindi ito tampered o nagalaw bago ang halalan at para matiyak ang integridad ng gagawing Random Manual Audit.
Kabilang sa naging saksi sa audit review si Comelec Commissioner Luie Guia, kinatawan ng Philippine Statistics Authority, PPCRV at ang poll watchdog na Legal Network For Truthful Elections o LENTE.
Ang LENTE ang pumalit sa role ng National Movement for Free Elections o NAMFREL.
Kinumpirma ng mga sumaksi sa prosesong ito na intact pa rin ang selyo sa laptop at hindi ito nagalaw.
Sa ilalim ng Random Manual Audit, titingnan ng Comelec kung mayroong systematic error o sadyang pandaraya na naipasok sa sistema ng halalan.
Aalamin din dito kung anong mga posibleng problema sa halalan para maimbestigahan ng Technical evaluation Committee.
Pumili na rin ang Comelec sa pamamagitan ng electronic process ng mga munisipalidad at lungsod na isasalang sa Random Manual Audit
sa pamamagirtan ng Automated Random Selection Program kasama na ang contigency samples ng mga sasalang sa Random Manual Audit.
Ayon kay Commissioner Guia, 715 mga samples o mga polling precincts ang sasalang sa RAM o Random Manual Audit
Gagawin ang Audit sa Diamond hotel sa loob ng 12-araw simula sa Mayo a-kinse at pangungunahan ito ng mga guro sa ilalim na rin ng supervision ng LENTE.
#RMNbantaybalota2019