Mga pagsabog sa Cotabato at Maguindanao, hindi dapat ikabahala – AFP

 

Hindi dapat mangamba ang publiko sa 2 pagsabog na naganap kagabi sa Cotabato City at sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

 

Ayon kay AFP Spokesperson B/Gen. Edgard Arevalo, walang nasaktan sa mga naturang insidente at wala ring property damage.

 

Mistula aniya na ang layunin lang ng mga responsable sa pagpapasabog ay manakot.


 

Payo ni Arevalo sa mga botante sa mga lugar na ito na huwag magpatakot at bumoto ngayong araw na ito.

 

Sa naganap namang pangalawang pagsabog sa Datu Odin Sinsuat ngayong umaga lang, sinabi ni Arevalo na nakatutok sa insidente si 6th infantry Division Commander M/Gen. Cirilito Sobejana.

 

Siniguro pa ni Arevalo na ang AFP at PNP ay on top of the situation.

 

#RMNbantaybalota2019

Facebook Comments