COMELEC, itinanggi ang akusasyon ng natalong mayoralty candidate sa Maguindanao hinggil sa sinasabing dayaan sa halalan sa Datu Salibo town

Pinabulaanan ng COMELEC ang sinasabing dayaan na nangyari sa Datu Salibo, Maguindanao noong nakalipas na halalan.

Base ito sa facebook post ng natalo sa pagka-alkalde na si Sam Zailon Esmael kung saan may ballot box daw na nakitang nakalubog sa tubig.

Ayon sa COMELEC, base sa kanilang pakikipag-ugnayan sa may kustodiya ng mga ballot box na si Datu Salibo City Treasure Ali Mamoribid,ang naturang balota ay ninakaw sa municipal office ng hindi pa nakilalang mga salarin.


Nilinaw din ng Komisyon na nakikipagtulungan na sa Maguindanao PNP sina Mamoribid at Election Officer Mary Ann Marohombsar kaugnay ng ginagawang imbestigasyon ng pulisya.

Kinumpirma rin ng Comelec na Si Esmael ay nakakuha lamang ng 273 na boto na boto mula sa kabuuang 5,000 total votes cast.

Facebook Comments