MANILA- Posibleng makasuhan ng paglabag sa Data Privacy Law ang Commision on Election (Comelec) matapos lumabas sa publiko ng mga personal at sensitibong impormasyon ng lahat ng mga botante nang mahack ang kanilang website noong Marso.Kinumpirma ng Software Global Security Agency na Trend Micro, na halos 55 milyong rehistradong botante ang damay sa pag-leak ng grupong Lulzsec sa database ng Comelec.Kabilang sa mga naisapubliko ang kumpletong address ng bawat botante, email, birthday, birth place at propesyon gayundin ang pangalan ng asawa at magulang habang nasa 15.8 milyong records rin ng finger print ang nagleak.Ayon sa IT expert na si Lito Averia, sapat ng impormasyon ito para mabiktima ang bawat isa ng identity theft, fraud at cyber crime.Pero nanindigan si Comelec Spokesperson James Jimenez, na walang sensitibong data ang nadamay sa pag-leak.Giit naman ni Romel Bagares ng Center for International Law na nagpabaya ang Comelec at kailangang papanagutin.Nakasaad sa Data Privacy Law na responsibilidad ng ahensyang nagko-kontrol ng personal information na protektahan ang data.Sakaling mapatunayang nagpabaya ang komisyon maaaring makulong at magmulta ang Chairman ng Comelec.
Comelec, Kakasuhan Matapos Magleak Ang Sensitibong Impormasyon Ng Halos 55 Milyong Botante Nang Mahack Ang Website Nito
Facebook Comments