Sinimulan na ng Commission on Elections (Comelec) ang distribusyon ng mga balota at election paraphernalia na gagamitin sa Local Absentee Voting para sa May 9 national at local elections.
Magsisimula ang Local Absentee Voting sa Abril 27 hanggang Abril 29.
Ayon sa Committee on Local Absentee Voting ng Comelec, dadalhin ang mga balota at equipment sa mga ahensya ng gobyerno at media entities.
Sa ilalim ng Local Absentee Voting system, ang mga opisyal at kawani ng gobyerno gayundin ang uniformed personnel at mga miyembro ng media ay papayagan na makaboto kahit sa mga lugar na hindi sila rehistradong botante dahil sa kanilang pagtupad ng tungkulin o trabaho sa araw ng eleksyon.
Facebook Comments