Paghahatid ng ayuda ng Philippine Embassy sa mga Pinoy sa Jilin, China na naapektuhan ng COVID-19 surge doon, pahirapan dahil sa travel restrictions

Sinisikap ng Philippine Embassy sa Beijing, China, na mahatiran ng ayuda ang Filipino Community sa Jilin na naapektuhan ng COVID-19 surge doon.

Sa ngayon, naghahanda na ng tulong ang embahada para ipamahagi sa mga apektadong Pinoy.

Gayunman, pahirapan ngayon ang paghahatid ng ayuda sa Filipino community dahil sa umiiral sa Jilin na local travel restrictions


Bunga nito, pinapayuhan ng Philippine Embassy ang mga Pinoy sa Jilin, China na mag-email sa kanila o di kaya ay tumawag sa hotline ng embahada.

Nabatid na ilang Pilipinong guro at mga empleyado sa Jilin ang naghihintay na mabisita sila ng mga tauhan ng Philippine Embassy sa China.

Facebook Comments