Manila, Philippines – Pinapakilos ni Committee on Public Order and Dangerous Drugs Chairman Senator Panfilo Ping Lacson ang Commission on Elections o Comelec.
Ito ay makaraang kwestyunin ni incumbent Cebu Mayor Tomas Osmeña ang paglalagay ng Philippine National Police o PNP ng checkpoint sa tapat mismo ng kanyang bahay.
Sa tingin ni Lacson, na dating hepe ng PNP, ito ay nagpapakita ng pagsawsaw ng pambansang pulisya sa pulitika sa Cebu.
Ayon kay Lacson, dapat maagapan ng Comelec ang bangayan sa politika sa Cebu City bago tuluyang lumala ang sitwasyon.
Diin ni Lacson, dapat gawin ng Comelec ang kinakailangang hakbang para matiyak na magiging mapayapa ang May 13 elections sa Cebu.
Facebook Comments