“Walang naging problema. Lahat ng boto nabasa.”
Ito ang sinabi ni Commission on Election (COMELEC) Chairman Saidamen Pangarungan sa final testing at sealing ng mga vote counting machines (VCMs) para sa eleksyon 2022.
Binasa ni Chairman Pangarungan ang election return ng 10 mga bumoto.
Isang kandidato sa pagkapangulo ay nakakuha ng apat na boto.
Isa ang nakakuha ng tatlong boto at tatlong kandidato ay may tig-isang boto.
Ayon kay Pangarungan, kuntento siya sa kinalabasan ng final testing at sealing dahil naging“smooth”ang proseso nito.
Wala kasing“malfunction”na nangyari sa makina.
Nabatid na layon ng final testing at sealing na matiyak na ang mga makina ay gumagana at nasa maayos na kondisyon bago ang eleksyon.
Pagkatapos ng testing, ang mga VCM ay sinelyuhan at kinando sa polling precinct.
Ito ay bubuksan na lamang muli sa araw ng eleksyon na May 9, alas-5:00 ng umaga.