COVID-19 surge, mananatili pa ring banta kung marami pa rin ang hindi bakunado – Kamara

Ibinabala ng ilang kongresista sa Kamara na mananatili pa rin ang banta ng COVID-19 surge o pagtaas ng kaso kung marami pa rin sa mga Pilipino ang hindi pa bakunado.

Para sa ilang mambabatas, kahit pa mag-transition ang bansa sa endemic mula sa pandemic ay banta pa rin sa kalusugan ang COVID-19 lalo sa mga indibidwal na wala pa ring natatanggap kahit isang bakuna.

Masasabi lamang na nalampasan na ng bansa ang COVID-19 pandemic kung makamit ang mataas na booster vaccination rate at maibaba na ang community quarantine level sa Alert Level 0.


Sinabi pa ng Kamara na hindi maaalis ang pagiging lantad ng Pilipinas sa sakit kung hanggang ngayon ay marami ang hindi bakunado o kulang ng 2nd dose o booster ang mga bakuna.

Patuloy namang umaapela ang Mababang Kapulungan ng Kongreso sa publiko na magpabakuna na dahil ito naman ay napatunayang ligtas at marami ang buhay ngayon dahil sa bakuna.

Facebook Comments