COMELEC, kumpiyansang dadalo pa rin sa debate ang presidential at vice presidential aspirants kahit na na-postponed ito

Umaasa ang Commission on Election (COMELEC) na dadalo pa rin sa debate ang mga aspirante sa pagka-pangulo at sa pagka-pangalawang pangulo.

Ito ay bagama’t naudlot ang itinakdang debate ng COMELEC.

Humingi naman ang COMELEC ng paumanhin sa mga kandidato dahil sa pagbabago ng petsa ng debate.


Nakatakda namang plantsahin ng COMELEC at Kapisanan ng mga Broadkaster ng Pilipinas ang lugar na pagdadausan ng huling PiliPinas debate sa mga kandidato sa pagka-pangulo at pangalawang pangulo.

Iginiit naman ng COMELEC na wala silang ginastos sa pagdaraos ng PiliPinas Debate na isinagawa sa Sofitel Hotel.

Facebook Comments