Pagsisilbi ng show cause orders sa ilang pampasaherong bus, nagpapatuloy

29

Sinimulan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagsisilbi ng show cause orders sa ilang provincial bus operators kaugnay sa paglabag sa alituntunin ng window hour scheme.

Hinihingan ng paliwanag ang mga operator kung bakit di sila dapat mapatawan ng parusa sa nangyaring pagka-stranded o ilang oras na pag-aantay ng mga pasahero sa mga terminal dahil sa walang nagbiyaheng provincial buses.

Hindi naman tinukoy ni LTFRB Executive Director Cristina Cassion kung sino-sino at ilan ang sinilbihan ng show cause orders.


Facebook Comments