COMELEC, kumpiyansang makakapagproklama ng mga nanalong senador at party-list sa kabila ng failure of election sa Lanao del Sur

Kumpiyansa ang Commission on Elections (COMELEC) na makapagpo-proklama ito ng mga panalong senador at partylist group sa mga susunod na araw.

Inihayag ito ni COMELEC Spokesman Atty. John Rex Laudiangco sa kabila ng idadaos na special elections sa Lanao Del Sur.

Gayunman, titingnan pa rin aniya ng COMELEC kung magkakaroon ng malaking epekto ang magiging resulta ng boto sa gaganaping special elections


Tiniyak din ng Commission on Elections na walang botanteng madi-dis-enfranchise sa mga lugar na nagdeklara ng failure of elections

Nilinaw din ni Laudiangco na kabilang sa layunin ng pagdaraos ng special elections sa 14 na baranay sa Lanao del Sur na matiyak maibibigay sa mga botante ang kanilang mga karapatan na makaboto.

Facebook Comments