Comelec, lumagda sa isang kasunduan para sa satellite registration sa mga mall

Lumagda sa isang kasunduan ang Commission on Elections  para sa satellite registration sa mga mall.

Sa ilalim ng nilagdaang Memorandum of Agreement ng Comelec at Robinson’s mall, bubuksan ang kanilang limampu’t dalawang mall sa buong bansa kung kailangan ng poll body.

Sinabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez na target nilang matapos sa loob ng isang linggo ang arrangement para sa mall registration.


Posibleng ang mall registration ay tuwing weekend aniya, at posibleng magkaroon din ng weekdays sa ilang lugar depende sa pangangailangan.

Ayon sa Comelec, tataas ng limampung porsyento ang bilang ng mga nagpaparehistro sa oras na masimulan ang mall registration.

Ang voter’s registration ay nagsimula noon pang Agosto 1 at tatagal hanggang Setyembre 30.

Ayon kay Comelec Chairman Sheriif Abas, kung matutuloy ang barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa May 2020 ay hindi na nila palalawigin ang voter’s registration.

Facebook Comments