Top 4 at 10 Most Wanted Person sa Lungsod ng Cauayan, Arestado!

*Cauayan City, Isabela- *Madakip na ng mga otoridad ang dalawang katao na wanted sa batas matapos isilbi ang kanilang warrant of arrest sa magkahiwalay na lugar sa Lungsod ng Cauayan.

Unang nadakip ng pulisya ang Top 4 Most Wanted sa Lungsod na si Rogelio Obenar Jr, 18 anyos, may-asawa, residente ng Brgy. San Luis, Cauayan City, Isabela.

Si Obenar Jr ay hinuli sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng RTC Br 40, Cauayan City, Isabela dahil sa kasong Homicide na may kaukulang piyansa na P40,000.00 pesos.


Samantala, huli rin ang itinuturing na Top 10 Most Wanted sa Lungsod sa kasong Attempted Homicide na si Michael Verzosa, 25 anyos, may-asawa, car painter at residente ng Cabaruan, Cauayan City, Isabela.

Si Verzosa ay pansamantalang makakalaya kung makakapagpiyansa ng halagang P36,000.00 pesos.

Dinala na sa himpilan ng PNP Cauayan ang dalawang akusado para sa kaukulang dokumentasyon bago ipasakamay sa court of origin.

Facebook Comments