Inaasahang magdedesisyon ngayon araw ang Commission on Elections (COMELEC) kung mananatili pa ring tagapagsalita ng poll body si Atty. Rex Laudiangco.
Ito ay makaraang magtapos na kahapon ang panunungkulan sa COMELEC nina Chairman Saidamen Pangarungan at Commissioners George Garcia at Aimee Neri.
Kasunod ito ng pagkaka-bypass ng Commission on Appointments kina Pangarungan, Garcia at Neri.
Ayon kay Atty. Laudiangco, maituturing nang functus officio o wala na siyang official authority o legal efficacy dahil si Pangarungan ang nagtalaga sa kanya bilang acting spokesman at siya ay direktang nagrereport kay Commissioner Garcia.
Sa kabila nito, tiniyak naman ni Laudiangco na handa pa rin siyang tumulong sakaling may mga katanungan ang media dahil mananatili naman siya sa COMELEC Law Department.