Pinawi ng Commission on Elections (Comelec) ang mga pangamba ng ilang botanteng nakita na “deactivated” ang kanilang status sa Online Precinct Finder bagama’t nakaboto naman sa mga nakalipas na eleksyon.
Ayon kay Commissioner George Garcia, maglalabas ng paglilinaw ang COMELEC sa sandaling makumpirma mula sa kanilang Information and Communication Technology Department kung ano ang nangyari.
Sinabi ni Garcia na mas mahalaga pa rin na ang pangalan ng mga botante ay nasa Voters’ Information Sheet,
Gayunman, ang mga botante aniyang hindi nakaboto sa dalawang nakalipas na eleksyon kabilang ang 2018 barangay elections at 2019 midterm elections ay maituturing nang deactivated.
Facebook Comments