2 GINANG NA WANTED SA BATAS, TIMBOG SA SOLANA, CAGAYAN

20
Cauayan City, Isabela- Sa presinto ngayon ang bagsak ng dalawang ginang na wanted sa batas matapos na maglabas ang korte ng warrant of arrest dahil sa kanilang kasong pagsusugal.

Base sa nakuhang impormasyon ng 98.5 IFM Cauayan, kinilala ang mga suspek na sina Imelda Baldesancho, 49 anyos, na residente ng Basi West Solana Cagayan at Maribel Taguiam, 41 anyos na residente naman ng Brgy. Basi East, Solana, Cagayan.

Ang dalawa ay nahaharap sa kasong paglabag sa PD 1602 o itong Paglabag sa Anti Gambling Law sa sala ni Hon. Hon Judge Gemma Bucayu Madrid of Regional Trial Court Branch 1, Tuguegarao City, Cagayan na siya ring nag isyu ng warrant of arrest na may petsang April 12, 2022.

Makakalaya naman pansamantala ang mga suspek kung ang mga ito ay makakapaglagak ng piyansang nagkakahalaga ng tig 60,000 pesos.

Sa ngayon, nasa kustodiya pa ng PNP ang mga suspek para sa tamang disposisyon.

Facebook Comments