Maglalagay ang Commission on Election (Comelec) ng hiwalay na lugar sa darating na halalan para sa may mga kapansanan, nakatatanda at mga buntis.
Partikular ang tinatawag na emergency accessible polling place sa mga polling precinct.
Layon nito na hindi mahirapan sa pagboto ang senior citizens, person with disabilities (PWDs) at mga buntis.
Ang emergency accessible polling place ay ilalagay sa ilang barangay sa bawat lungsod o munisipalidad.
Ito ay dapat nasa unang palapag o nasa ground para hindi na kailangan umakyat ng hagdan ng naturang mga indibidwal.
Ang pagboto rito ay mula alas-6 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.
Facebook Comments