PNP Chief General Dionardo Carlos pinabulaanang nakipagkita sa pamilya Ongpin sa Balesin para pag-usapan ang kaso ni Julian Ongpin

Walang basehan at walang katotohanan ang mga lumulutang na impormasyon na tumungo si Philippine National Police (PNP) Chief General Dionardo Carlos sa Balesin Island sa Quezon para makipagkita sa pamilya Ongpin.

Ginawa ni PNP chief ang paglilinaw matapos ang mga balitang tumungo sya sa Balesin para pag-usapan ang Julian Ongpin Case.

Si Julian Ongpin ay anak nang may-ari ng Balesin na si Roberto Ongpin na boyfriend ni Bree Jonson na natagpuang patay sa isang resort sa La Union noong nakaraang taon.


Nakuha kay Julian Ongpin ang 12 kilo ng cocaine.

Sinabi ni Carlos, na dismissed na ang kaso ni Julian Ongpin at ngayon may apela sa kaso.

Ang Department of Justice (DOJ) at National Bureau of Investigation (NBI) na aniya ang tumututok sa ginagawang parallel investigation at wala nang pakialam ang PNP simula nang maupo siya bilang PNP chief.

Kaya giit ni PNP chief, walang basehan ang mga impormasyong nagkokonek sa kanya sa pamilya Ongpin kahit pa tumungo siya sa Balesin Island.

Facebook Comments