Bilang pag-iingat sa harap ng pandemya, magpapatupad ng ilang pagbabago ang Commission on Elections (COMELEC) sa paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) para sa mga nais kumandidato sa halalan.
Unang itinakda ng COMELEC ang filing ng COC sa Oktubre 1 hanggang Oktubre 8, 2021.
Pero ayon sa COMELEC, pinag-aaralan nila na magtakda ng araw para sa paghahain ng kandidatura sa bawat elective position.
Lilimitahan ng COMELEC ang presensya ng mga papayagang makasama ng isang kandidato sa paghahain nito ng COC sa COMELEC offices.
Matatandaan na sa mga nakalipas na halalan, ang mga kandidato ay may bitbit na supporters sa paghahain ng kanilang COC pero ngayon ay ipagbabawal na ito.
Itinakda naman ang January 9 hanggang June 8, 2022 bilang election period at mananatiling automated ang halalan sa bansa.