Nilinaw ng Commission on Elections (COMELEC) na isang debate na lamang ang kanilang isasagawa para sa mga tatakbong bise presidente.
Taliwas ito sa naunang plano na magkaroon ng tatlong debate para sa vice presidential bets.
Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, malaking hamon sa kanila ang pagkakaroon ng isang vice presidential debate dahil sa pressure ng COVID-19 lalo na’t siyam ang kandidato sa nasabing posisyon.
Nauna nang kinansela ang una sa tatlong presidential debates na isasagwa sana sa huling linggo ng Pebrero hanggang unang linggo ng Marso.
Paliwanag ni Jimenez, kailangan pa nila ng mas mahabang oras dahil sa COVID-19 at patuloy ang kanilang pakikipag-usap sa mga kandidato.
Sa kabila nito, hinikayat ng Comelec ang lahat ng presidential at vice presidential aspirants na lumahok sa mga debate.