Pangulong Duterte, patuloy na magtatrabaho at magsiserbisyo, kahit nag-iimpake na

Tiniyak ni Senator Christopher “Bong” Go na patuloy na magtatrabaho at magsiserbisyo sa taumbayan si Pangulong Rodrigo Duterte hanggang sa huling araw ng kanyang termino.

Pahayag ito ni Go sa harap ng report na nag-iimpake na si Pangulong Duterte kahit hanggang June 30, 2022 pa ang kanyang termino.

Ayon kay Senator Go, patuloy na gagampanan ng pangulo ang kanyang tungkulin sa abot ng kanyang makakaya at wala itong sasayanging oras sa paglilingkod sa publiko.


Paliwanag ni Senator Go, lahat naman ng bagay ay may pagtatapos kaya naghahanda na si Pangulong Duterte sa pagwawakas ng kanyang termino.

Binanggit ni Go na gusto rin ni Pangulong Duterte na masigurong maayos ang transition patungo sa susunod na administrasyon sinuman ang pipiliin o ihahalal ng taumbayan.

Facebook Comments