Magsasagawa ang Commission on Elections (Comelec) ng cleansing sa voters’ list na ginamit noong May 2019 midterm elections.
Ito ay bago buksan ang registration period sa susunod na buwan.
Ayon kay Comelec-Elections and Barangay Affairs Department Director Teopista Elnas – i-a-update nila ang records upang malinis ang listahan ng mga botante.
Aalamin nila kung ilan ang para sa deactivation, ang mga pumanaw, base sa tala ng local civil registrars.
Nabatid na aabot sa higit 61.8 million registered voters nitong nakaraang halalan.
Ang voters registration ay magsisimula mula August 1 hanggang September 30, 2019, kabilang ang Sabado at holidays.
Ang Barangay at SK Elections ay isasagawa sa ikalawang Lunes ng Mayo 2020.
Facebook Comments