Chinese vessel na nag-abandona sa mga Pilipinong mangingisda sa Recto Bank, dapat panagutin

Nanindigan ang MalacaƱang na dapat panagutin ang mga crew ng Chinese vessel na nag-abandona sa 22 Pilipinong mangingisda sa gitna ng Recto Bank matapos nilang banggain ang bangkang pangisda nito.

Ito ay matapos lumabas sa joint report ng Philippine Coast Guard (PCG) at Maritime Industry Authority (PCG-MARINA) na nabigo ang Chinese vessel na gumawa ng preventive measures upang hindi nangyari ang aksidente.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo ā€“ malinaw ang pag-iwan ng Chinese fishermen sa mga mangingisdang Pinoy.


Sa ngayon, hihintayin ng Palasyo ang findings ng imbestigasyon ng Chinese government.

Facebook Comments