Comelec, magsasagawa ng public hearing sa panukalang pagpapaliban ng BSKE 2023 sa Negros Oriental

Courtesy: COMELEC Facebook page

Magsasagawa ang Commission on Elections (Comelec) ng Joint Coordinating Conference kaugnay sa panukalang pagpapaliban ng BSKE 2023 sa Negros Oriental.

Inaasahang dadalo rito sina Comelec Chairman George Garcia, PNP Chief Benjamin Acorda Jr., at AFP Chief-of-Staff Gen. Andres Centino.

Isasagawa ang public hearing mula June 27-29, 2023 sa ilang piling lugar sa lalawigan.


Kabilang dito ang Canlaon City, Vallehermoso, Guihulngan City, Libertad at Jimalalud para sa Cluster 1.

Ang Cluster 2 naman ay isasagawa sa Tayasan, Ayungon, Bindoy, Manjuyod at Mabinay.

May public hearing din para sa cluster 3 sa Bais City, Pamplona, Tanjay City, AMlan at San Jose.

Kasama naman sa Cluster 4 ang Sibulan, Dumaguete City, Valencia, Bacong at Dauin habang ang Zamboanguita, Siaton, Santa Catalina, Bayawan City at Basay ay ang mga lugar na kasama sa Cluster 5.

Facebook Comments