MANILA – Nakatakdang magsagawa ng special elections ang Commission on Elections (Comelec) sa labing-isang mga bayan sa walong lalawigan sa Visayas at Mindanao.Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, ito’y sa pamamagitan ng isang resolution na pinagtibay ng Comelec en banc para matuloy ang halalan sa mga lugar na nagka-problema noong May 9.Ang special elections ay gaganapin sa May 14, araw ng Sabado sa mga sumusunod na lugar.Barangay Gabi, Cordova sa CebuMaitum sa SaranganiSta. Cruz sa MarinduqueBarangay Mabuyong at Anini-Y sa AntiqueBarangay Insubuan, San Remigio sa AntiqueBarangay Roxas, Lope De Vega sa Northern SamarNagpapacao, Matuguinao sa Western SamarBinidayan sa Lanao Del SurPata sa SuluPanglima Estino sa Suluat Tamparan sa Lanao Del SurNakapaloob sa nasabing mga lugar ang 52 clustered precincts na mayroong kabuuang 17,657 registered voters.
Comelec, Magsasagawa Ng Special Elections Sa Sabado Para Sa Mga Lugar Na Ideneklara Ang Failure Of Elections
Facebook Comments