COMELEC, magsasagawa ng special fundraiser para sa mga biktima ng Bagyong Rolly

53

Magsasagawa ng fundraising webcast ang Commission on Elections (COMELEC) bukas, November 07 para sa mga biktima ng Bagyong Rolly.

Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, ang fundraising ay isasagawa sa pamamagitan ng Radyo COMELEC sa Quarantalk, ang weekly affairs program ng poll body.


Ang bago nilang episode sa Sabado ay nakalaan para sa fundraising webcast na pinamagatang: “Tindog, We stand with Bicol.”

Tampok din sa special webcast ang musical performances mula sa mga nagboluntaryong ibahagi ang kanilang talento.

Facebook Comments