COMELEC, magsasagawa ng voting simulation ngayong araw

Magsasagawa ngayon ang Commission on Election (COMELEC) ng voting simulation sa San Juan Elementary School sa San Juan City ngayong araw.

Ito ay bilang paghahanda sa mga aktibidad sa halalan sa susunod na taon.

Base sa gagawing simulation 4, silid aralan ang gagamiting polling precincts habang 3 classrooms naman ang gagamiting holding area.


Gagamitin sa isasagawang simulation ang 3,564 na test voters na sisimulan alas-10 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon mamaya.

Layon ng nasabing aktibidad na matukoy ang average time frame sa proseso ng pagberipika sa identity ng botante sa Computerized Voting List.

Gayundin para matukoy ang areas of concern o issues sa proseso ng berepikasyon habang pinaiiral ang minimum health at safety protocols at para matukoy ng maaga ang mga hakbang hinggil sa kung paano mapapaikli ang oras ng pagboto.

Ang lahat ng participants ay obligadong magsuot ng face mask at face shield sa loob ng voting center at polling place.

Facebook Comments