COMELEC, magsasagawa ng voting simulation sa Sabado

Magsasagawa ang COMELEC ng voting simulation sa San Juan Elementary School sa San Juan City sa Sabado.

Ito ay bilang paghahanda sa mga aktibidad sa halalan sa susunod na taon.

Sa gagawing simulation, 4 na silid-aralan ang gagamiting polling precincts habang 3 classrooms naman ang gagamiting holding area.


3,564 na test voters ang sa simulation na sisimulan ng alas-10 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon sa Sabado.

Layon ng nasabing aktibidad na matukoy ang average time frame sa proseso ng pagberipika sa identity ng botante sa computerized voting list.

Gayundin para matukoy ang areas of concern o issues sa proseso ng beripikasyon habang pinaiiral ang minimum health at safety protocols at para matukoy ng maaga ang mga hakbang hinggil sa kung papaano mapapaikli ang oras ng pagboto.

Ang lahat ng participants ay obligadong magsuot ng face mask at face shield sa loob ng voting center at polling place.

Facebook Comments