Hihilingin ng Comelec ang tulong ng Facebook sa kanilang imbestigasyon kaugnay ng nag-viral na video hinggil sa sinasabing dayaan sa Lanao del Sur.
Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, nais kasi nilang maisailalim ang naturang video sa forensic analysis.
Hinimok din ni Jimenez ang nagpakalat ng video na lumutang at maghain ng pormal na reklamo.
Aniya, kailangan ma-establish ang authenticity ng video bago nila ito imbestigahan.
Kailangan din sumalang sa En Banc ang reklamo para mapagdesisyunan ng mga Comelec commissioners.
Hindi naman daw makakaapekto sa pagproklama sa mga nanalong kandidato ang naturang video dahil isolated case lamang ito.
Una rito kumalat ang video ng sinasabing naganap na pre-shading ng mga balota ng isang babae habang ang isa ay pinipirmahan naman ang naturang mga balota.