Comelec, malabo nang makapag-organisa ng debate para sa nat’l candidates

Manila, Philippines – Inamin ng Comelec na malabo nang makapag-organize sila ng debate sa hanay ng senatoriables.

Sinabi ni Comelec Spokesman James Jimenez, kailangan pa itong dumaan sa pagdinig ng en banc ng poll body.

Nangangahulugan aniya ito na wala nang sapat na oras para makapagsagawa ng debate ang komisyon.


Hindi rin anya biro ang mag-organisa ng isang malaking event lalo pa at gahol na sila sa panahon.

Una nang nagpadala ng letter request sa Comelec ang senatoriables ng Otso Diretso para sa public debate ng senatorial candidates.

Facebook Comments