Manila, Philippines – Aabot sa 230 milyong piso o katumbas ng 77 milyon na balota ang malulugi sa COMELEC sakaling hindi matuloy ang Barangay at SK elections sa darating na Oktubre 23 taong kasalukuyan.
Ito ang inihayag ni COMELEC Spokesperson Atty. James Jimenez, matapos bumisita kanina sa opisina ng National Printing Office kung ang pagbabasehan ay 3 piso bawat balota, pero noong nakaraang taon 2016 nakapag-imprenta ng 400 libong balota ang NPO at 77 milyon na balota naman ang gagamitin sa Barangay at SK elections.
Paliwanag pa ni Atty. Jimenez ngayong Auguest 13 hanggang 31 ang target ng COMELEC na maimprenta ay 1 milyon hanggang 1.5 milyon na balota pero ngayon araw 10 libong balota ang target ng COMELEC.
Dagdag pa ng opisyal na target tatapusin ng COMELEC ang pag-imprenta ng balota ay sa Oktubre 9 pero ang target nila na maimprenta ngayon taon ay 77, 261,086 ballots pero noong 2010 Barangay Election ay umaabot sa 45 araw lamang natapos nila ang pag-imprenta ng mga balota at noong 2013 ay 35 days natapos ang pag-imprenta ng balota.
Nilinaw ni Jimenez na ang pag-imprenta ng mga balota ay bilang paghahanda lamang kung sakaling hindi agad maresolba ng Kongreso at Senado ang usapin ng Barangay at SK Election.